Identifying, avoiding and reporting illegal cheating services (Filipino) – Pagtukoy, pag-iwas sa at pag-report ng mga serbisyo sa ilegal na pandaraya

Nagbabanta sa pang-akademikong integridad ang mga serbisyo sa ilegal na pandaraya, at inilalantad nila ang mga estudyante sa mga kriminal. Ipinapakita ng pananaliksik1 na ang mga operator ng mga serbisyo sa ilegal na pandaraya na ito ay magbabanta na ipaalam sa unibersidad o tagapag-empleyo ng estudyante sa hinaharap ang tungkol sa pandaraya ng isang estudyante kung hindi magbayad ang estudyante ng malaking halaga ng pera.

Ipinagbawal ng Australia ang mga pangkomersyong serbisyo na ito sa pandaraya at ang pag-promote ng mga serbisyong ito sa mga estudyante. Kabilang sa mga batas laban sa mga pangkomersyong serbisyo sa pandaraya ang mga kriminal na parusa tulad ng mga multa na hanggang $100,000 para sa mga operator. Nahaharap din sa sibil na pag-uusig ang mga taong nagkakaloob ng mga serbisyo sa pandaraya nang libre. Hindi pinaparusahan ng mga batas na ito ang mga estudyanteng gumagamit ng mga serbisyong ito para mandaya ngunit patuloy na malalapat ang mga patakaran sa pang-institusyong pagdidisiplina.

Nagbuo ang TEQSA ng sumusunod na impormasyon upang tulungan ang mga estudyante na matukoy, maiwasan at ma-report ang mga serbisyo sa ilegal na pandaraya. Nilalayon nitong makadagdag, at hindi palitan, ang anumang payo na maaaring natanggap mo mula sa inyong institusyon.

Pagtukoy ng serbisyo sa ilegal na pandaraya

Identify icon

Maaaring kabilang sa pangkomersyong serbisyo sa ilegal na pandaraya ang mga website at indibidwal o grupo na nagma-market o nagkakaloob ng mga serbisyo sa pandaraya sa mga estudyante.

Ang mga serbisyo sa ilegal na pandaraya – na minsang tinatawag ding contract cheating services – ay nagbebenta ng mga sanaysay o takdang-aralin ng mga estudyante, o tumatanggap ng bayad para ibang tao ang kukuha ng exam para sa estudyante.

Kadalasan, mina-market ang mga serbisyong ito bilang alok ng ‘suporta sa pag-aaral’. Hihilingin sa mga estudyante ng marami sa mga ilegal na operator na ito na i-upload ang kanilang dating gawa o materyal mula sa kanilang kurso para ma-access ang ina-advertise na ‘suporta’.

Ang ilan sa mga ilegal na serbisyong ito ay nagma-market nang agresibo sa pamamagitan ng social media, email at sa campus. Maaari ka rin nilang mahanap sa pamamagitan ng iyong mga post sa social media. Halimbawa, maaaring mag-post sa social media ang isang estudyante tungkol sa isang sanaysay na sinusulat niya at pagkatapos ay makakatanggap ng maraming ‘bot’ message na nag-aalok ng pangkomersyong serbisyo sa ilegal na pandaraya.

Pag-iwas sa mga serbisyo sa ilegal na pandaraya

Avoid icon

Ang pagtukoy sa mga serbisyo sa ilegal na pandaraya ay minsang mahirap pero dapat mong laging iwasan ang anumang serbisyo na:

  • nangangakong tutulong na isulat o paghusayin ang iyong sanaysay o takdang-aralin o kukuha ng exam para sa iyo kapalit ng pera
  • nag-aalok ng hindi hinihinging ‘suporta sa pag-aaral’ sa pamamagitan ng social media, email o on-campus advertising
  • humihiling sa iyong mag-upload ng dating halimbawa ng iyong gawa, o mga materyales mula sa iyong kurso, upang makatanggap ng tulong
  • nag-aalok na magbenta sa iyo ng mga study notes, exam o iba pang materyales para sa assessment.

Ang mga estudyanteng nakakaranas ng kahirapan sa pag-aaral ay dapat laging makipag-usap sa kanilang tutor o course coordinator. Matutulungan ka nilang ma-access ang mga opsyon sa suporta sa pag-aaral at maprotektahan din ang iyong pang-akademikong integridad.

 Mga tip

Tip: Makakatulong sa iyo ang pag-block ng mga hindi hinihinging mga mensaheng natatanggap sa social media o email na nag-aalok ng suporta sa pag-aaral, pagsulat ng sanaysay o iba pang contract cheating services upang maiwasan ang mga ilegal na serbisyo sa pandaraya at mapanatili ang iyong pang-akademikong integridad.

Mag-ingat sa impormasyong ibinabahagi mo sa mga social media network at pag-isipan ang iyong mga setting sa privacy. Makakatulong ito sa iyo na maiwasang ma-target ng mga operator ng serbisyo sa ilegal na pandaraya.

 

Pag-report ng mga serbisyo sa ilegal na pandaraya

Reporting icon

Nagtutulungan ang TEQSA at mga tagapagkaloob (providers) ng mas mataas na edukasyon sa Australia upang magbahagi ng nalalaman nila tungkol sa mga serbisyo sa ilegal na pandaraya. Sinusuportahan nito ang mga institusyon na protektahan ang mga interes ng mga estudyante at pang-akademikong integridad sa pamamagitan ng pagtiyak na ligtas ang kanilang mga network laban sa mga ilegal na serbisyo.

Saan magre-report ng pinaghihinalaang pangkomersyong serbisyo sa pandaraya

Sa iyong tagapagkaloob

Kung makatanggap ka ng email na nagpo-promote ng pinaghihinalaang mga serbisyo sa ilegal na pandaraya sa pamamagitan ng iyong email account sa inyong institusyon, o kung makakita ka ng pinaghihinalaang site ng pandaraya sa network ng inyong institusyon, i-report ito sa inyong paaralan o unibersidad. Dapat mo ring ipaalam sa kanila kung nakakita ka ng mga poster, abiso o business card sa inyong campus na nagpo-promote ng mga serbisyo sa ilegal na pandaraya.

Sa TEQSA

Kung naka-enkuwentro ka ng pinaghihinalaang serbisyo sa ilegal na pandaraya, maaari mo itong i-report sa pamamagitan ng pagkumpleto ng aming online form.

Mga Tala

  1. Yorke, J., Sefcik, L., & Veeran-Colton, T. (2020). Contract cheating and blackmail: a risky business? Studies in Higher Education.

Bumalik sa landing page ng Pag-unawa sa Pang-akademikong Integridad

Last updated: